^

Police Metro

Brgy. Chairman sa Maynila, itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malapitang binaril sa mukha ang isang barangay chairman ng isang lalaki na angkas sa motorsiklo habang nakahinto ang sinasakyan nito sa kanto ng Lacson at Dapitan Sts., Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay sa UST Hospital dahil sa tama ng bala sa mukha na naglagos sa tagilirang bahagi ng ulo ang biktima na kinilalang si Rodrigo Cruz, 59-an­yos, ng Severino  Reyes St., Sta. Cruz, Maynila at chairman ng Barangay 209. Zone 19.

Sa imbestigasyon ni SPO1 John Charles Duran na naganap dakong alas-11:50 ng gabi habang pansa­mantalang nakahinto  ang Isuzu DMax (ZEG123) na sinasakyan ng biktima dahil red traffic light sa nasabing lugar.

Nasa passenger side nakaupo ang biktima na minamaneho ng isang Danilo dela Cruz, 47, kasama ang isang Norelito Taruca, 50, na opis­yal din ng barangay, ang nakaupo sa likod nang ito ay barilin.

Malaki ang hinala ng pulisya na sinundan ng riding in tandem ang sasakyan at nang nakakuha ng tiyempo ay binaril ang biktima.

Hindi nakilala ang dalawang suspek na la­laki dahil kapwa nakasuot ng helmet na magkaangkas sa isang motorsiklo.

 

vuukle comment

CRUZ

DANILO

DAPITAN STS

ISUZU

JOHN CHARLES DURAN

MAYNILA

NORELITO TARUCA

REYES ST.

RODRIGO CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with