^

Police Metro

Galit sa misis ibinunton sa anak... Paslit ginilitan ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinunton ng isang mister ang galit nito sa kanyang anak na 2-anyos na lalaki nang gilitan ang leeg nito matapos na sila ay mag-away  ng kanyang misis kahapon ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Riverside, Brgy. Villa Gonzalo, Brgy. Tejero, Cebu City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Cebu City Hospital dahil sa malalim na hiwa sa leeg ay kinilalang si Prince Jasel Ompad.

Ang suspek na tatay nito na agad nadakip ay kinilalang si Robert Ompad, 29, obrero.

Sa ulat ni C/Inspector Aileen Recla, hepe ng Investigation Division ng Cebu City Police na bago nangyari ang krimen sa bahay ng pamilya Ompad dakong alas-7:00 ng umaga ay nagkaroon muna ng pag-aaway ang suspek at misis nitong si Fatima.

Sa sobrang inis ni Fatima ay umalis ito ng kanilang bahay at naiwan ang kanilang anak na naglalaro.

Dahil sa umalis ang misis ay pinagbuntunan nito ng galit ang anak na kasalukuyang naglalaro sa pintuan na kanyang sinunggaban bago ginilitan ng leeg.

Nakita ng mga kapitbahay ang ginawa ng suspek sa anak kung kaya’t tumawag sila ng pulis na mabilis na nakaresponde at naaresto ang tatay.

Bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ang bata ay nabigo ng mailigtas ang buhay nito.

Dinala naman sa Center for Behavioral Sciences sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang suspek kaugnay ng sakit nitong nervous breakdown.

 

vuukle comment

BEHAVIORAL SCIENCES

BRGY

CEBU CITY

CEBU CITY HOSPITAL

CEBU CITY POLICE

FATIMA

INSPECTOR AILEEN RECLA

INVESTIGATION DIVISION

PRINCE JASEL OMPAD

ROBERT OMPAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with