^

Police Metro

Misis minartilyo ng sadistang mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos nabasag ang bungo ng isang misis nang hatawin ito ng martilyo ng kanyang sadistang mister na nagtangka ring magpakamatay naganap kamakalawa ng gabi sa Lupi, Camarines Sur.

Ang biktima ay kinila­lang si Jocelyn Deocareza, 47-anyos, ng Brgy. Ramon, Lupi, Camarines Sur na nasawi sa internal hemorrhage at halos pag­kabasag ng bungo.

Dinala naman sa Sipocot District Hospital ang suspek na si Armando Deocareza, 50-anyos, subalit inilipat din sa Bicol Medical Center sa tinamong saksak sa kaniyang tiyan.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay narinig ng mga kapitbahay ang pag-aaway ng mag-asawa na hindi naman nila pinansin dahil sa pag-aakalang hindi hahantong sa krimen.

Ilang minuto ang nakalipas ay  narinig ng mga kapitbahay ang malalakas na kalabugan sa loob ng bahay ng mag-asawa at nang kanilang silipin ay nakita nila ang suspek na minamartilyo ang  ulo ng misis.

Nang bumulagta ang misis ay nagsaksak naman sa tiyan ang suspek.

Isinugod ng mga ka­pitbahay sa pagamutan ang mag-asawa, pero idineklarang dead on arrival ang mi­sis.

vuukle comment

ARMANDO DEOCAREZA

BICOL MEDICAL CENTER

BRGY

CAMARINES SUR

DINALA

ILANG

JOCELYN DEOCAREZA

LUPI

SIPOCOT DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with