^

Police Metro

Singaporean, bebot lumundag sa kamatayan

Lordeth Bonilla, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 28-anyos na Singaporean national matapos itong tumalon mula sa ika-22 palapag ng tinutuluyang condominium kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Lasog ang katawan ng biktima na kinilalang si Quiao Sheng Zhang, branch manager ng Trinco Inc.-BPO Company na matatagpuan sa Makati City at residente sa Room 22-D, Crescent Park Resi­dences Condominium sa 30th St., kanto ng 2nd Avenue, Bonifacio Global City (BGC) ng lungsod.

Sa ulat na nakara­ting kay P/Sr. Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, bago nangyari ang insidente dakong alas-4:29 ng madaling-araw  ay tumawag pa umano ang biktima sa ilang kaibigan ay nagpaalam na magpapakamatay ito at sabihin na lang sa kanyang mga magulang ang kanyang sinapit.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng pagpapatiwakal ng biktima.

Samantala, isang 36-anyos na babae ang tu­malon naman mula sa 20 talampakang taas ng Marcelo Fernan Bridge sa Cebu City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Angeline Dimpas, dalaga at residente ng Zone Sibuyas, Brgy. Paknaan sa lungsod ng Mandaue.

Sa ulat, bago nangyari ang pagtalon ng biktima dakong alas-2:00 ng hapon sa nasabing tulay  ay nakita pa ito ng isang lalaki na umakyat dakong alas-1:57 ng hapon at ilang  sandali lamang ay tumalon ito.

Nagresponde ang Emergency Rescue Unit Foundation at iniahon si Dimpas na nakasuot na lamang ng pantalon  at walang suot na blouse na pang-itaas at idineklara itong dead on arrival sa Mandaue City District Hospital.

Sa pahayag naman ng pamilya ng biktima, may nervous breakdown umano ito at hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka nitong mag-suicide.

vuukle comment

ANGELINE DIMPAS

ARTHUR FELIX ASIS

BONIFACIO GLOBAL CITY

CEBU CITY

CRESCENT PARK RESI

EMERGENCY RESCUE UNIT FOUNDATION

MAKATI CITY

MANDAUE CITY DISTRICT HOSPITAL

MARCELO FERNAN BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with