^

Police Metro

Trike driver ang pakay, pasahero ang napatay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang tricycle driver nang ang mga bala na para sa kanya ay tumama sa kanyang tatlong pasahero na ikinasawi ng isa rito na naganap kamakalawa sa  Port Area, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Rogelyn Cabildo, 21, saleslady ng 168 Mall at residente ng  Block 1, Dubai, Baseco Compound, Port Area, dahil sa tama ng bala sa ulo.

Nasugatan naman ang mag-ama na sina Jonathan De Los Santos, 26 at  anak na si Justine, 1 na residente rin ng lugar na kapwa tinamaan ng bala ng  baril sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-3:35 ng hapon ay sakay ang mga biktima sa tricycle ng isang Ameli Mokasib at pagdating sa  kahabaan ng Blk.9 Ext. Baseco, Compound ay nilapitan ng hindi pa kilalang suspek si Mokasib at pinagbabaril, subalit hindi nasapol bagkus ay tumama ang mga bala sa kanyang tatlong pasahero.

vuukle comment

AMELI MOKASIB

BASECO

BASECO COMPOUND

DUBAI

JONATHAN DE LOS SANTOS

JUSTINE

MAYNILA

MOKASIB

PORT AREA

ROGELYN CABILDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with