^

Police Metro

Scavenger, tinodas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binaril at agad na nasawi ang isang scavenger habang nakikipag-kuwentuhan sa kanyang kaibigan sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Edwin Mayo, 21,  binata ng Block 2, Purok 2, Vicente Compound, Brgy. Silangan sa lungsod.

Arestado naman sa follow-up operation ang mga suspek na  sina Jeramil Bohol, 30 at Ricky Bagnol, 41, mga construction worker at residente rin sa nasabing barangay.

Sa ulat ni PO2 Julis Raz, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may bakanteng lote sa Brgy. Silangan, ganap na ala-1:30 ng hapon.

Sabi ng testigong si Bryle Medino, bago ang insidente, nagkukuwentuhan sila ng biktima sa lugar nang dumating ang mga suspek at tinawag sila ng mga ito.

Hindi pa anya sila nakakalapit ay biglang nagbunot ng baril si Bohol at binaril ang biktima na agad na ikinamatay nito. Habang si Medino naman ay mabilis na nagtatakbo papalayo, pero sinundan siya ni Bagnol at pinaputukan, pero hindi tinamaan.

Matapos nito, agad ding nagsipagtakas ang mga suspek sa hindi mabatid na direksyon, subalit nadakip sa ginawang follow up operation.

Narekober ng mga otoridad sa mga suspek ang isang kalibre .38 baril na ginamit sa krimen.

 

vuukle comment

BRGY

BRYLE MEDINO

EDWIN MAYO

JERAMIL BOHOL

JULIS RAZ

QUEZON CITY

RICKY BAGNOL

SILANGAN

VICENTE COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with