^

Police Metro

2 sundalo utas sa encounter, 6 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang napaslang habang anim pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na bakbakan sa Misamis Oriental at sa Compostella Valley nitong Biyernes.

Ayon ay Captain Christian Uy, Spokesman ng Army’s 4th Infantry Division (ID)  dakong alas-5:34 ng umaga ng makasagupa ng tropa ng 58th Infantry Battalion ang hindi pa madeterminang bilang ng mga rebelde sa Brgy. Umagos, Lagonglong, Misamis Oriental na ikinasugat ng tatlong sundalo.

Sinabi ni Uy, isang oras matapos ito ay habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo ay  muli nilang nakasagupa ang mga rebelde na ikinasawi ng isa sa tropang gobyerno habang ilan pa ang nasugatan.

Samantalang, habang nagsasagawa naman ng blocking operations ang Army’s 58th Infantry Battalion sa Bgry. Kibanban, Balingasag, Misamis Oriental ay muling nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng magkabilang panig na kumitil sa buhay ng isa pang sundalo.

Samantala, isa namang sundalo ang nasugatan matapos paputukan ng sniper ng NPA sa Brgy. Golden Valley, Mabini, Compostela Valley dakong alas-6:15 ng umaga kahapon.

Kinilala ni Captain Ernest Carolina ang nasugatang sundalo na si Pfc Jaymar Mirador na dinala na sa pagamutan sa Davao City para malapatan ng lunas.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis laban sa grupo ng mga rebelde na sangkot sa patuloy na paghahasik ng terorismo.

vuukle comment

BRGY

CAPTAIN CHRISTIAN UY

CAPTAIN ERNEST CAROLINA

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELLA VALLEY

DAVAO CITY

GOLDEN VALLEY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MISAMIS ORIENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with