^

Police Metro

Galing medical mission... Bukidnon mayor patay sa NPA ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din sa lugar ng pinangyarihan ang isang alkalde ng lalawigan ng Bukidnon matapos na sila ay pagbabarilin ng mga kalalakihan na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Bukidnon, Impa­su­­gong Mayor Mario Okinlay. Nagtamo ito ng mara­ming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni Major Christian Uy, Spokesman ng Army’s 4th Infantry Division (ID), bago nangyari ang pananambang sa biktima sa Brgy. Buntungan, Impasug-ong ay katatapos lamang ito sa isang medical mission na programa ng lokal na pamahalaan na “Hatid Serbisyo”.

Pabalik na ang alkalde at ang kanyang convoy sa munisipyo nang paulanan ng bala ng  tinatayang 3-5 mga armadong rebelde.

Matapos ang puntiryahin ng pamamaril ang convoy ng mga behikulo ay pinaputukan ang sinasakyan ng alkalde ay mabilis na tumakas ang mga rebelde.

Ayon kay Major Uy na ikinagalit ng mga rebelde ang progreso ng naturang barangay sa programa ng lokal na pamahalaan bunsod upang mawala na ang simpatiya sa kanila ng  residente dito.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang tropa ng militar at pulisya laban sa grupo ng mga rebelde na sangkot sa pananambang habang iniimbes­tigahan din ang motibo ng krimen.

Magugunita na noong Mayo 2013 ay napatay din si dating Kadilingan, Bukidnon  Mayor Joselito Talaid nang tambangan ng mga armadong holdaper na tumangay sa P 7 M cash na dala nito.

vuukle comment

BUKIDNON

HATID SERBISYO

INFANTRY DIVISION

MAJOR CHRISTIAN UY

MAJOR UY

MAYOR JOSELITO TALAID

MAYOR MARIO OKINLAY

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with