Sekyu dedo sa kabaro
MANILA, Philippines - Tinapos ng dalawang sekyu ang usapin ukol sa iskedyul ng kanilang trabaho nang sila ay magduwelo sa baril kahapon ng umaga sa Makati City.
Dead on the spot dahil sa maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .38 baril ang biktima na si Allan Monilla, nasa hustong gulang, ng Santo Niño, Barangay San Martin De Porres, Parañaque City.
Agad naaresto ang suspek na si Dante DaÂngalan, 37, ng Yellow Ville, Welfare Ville, MandaluÂyong City.
Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-6:25 ng umaga sa loading area ng Union Bank, na matatagpuan sa kanto ng Makati Avenue at Durvan St., Barangay Poblacion ay kapwa sekyu ang biktima at suspek sa naturang establisimiyento.
Nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo tungkol sa iskedyul ng duty ng kanilang trabaho hanggang kapwa nagbunot ng kanilang mga baril na kung saan ay nakauna si Dangalan at pagbabarilin nito si Monilla.
Agad naaresto ang suspek nang dumating ang mga pulis.
- Latest