^

Police Metro

Bakal bumagsak: 2 katao todas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang dalawa katao matapos na mabagsakan nang nalaglag ang tatlong malalaking bakal na beam sa kantina ng isang construction site ng ginagawang multi-level parking sa Greenhills, San Juan kahapon ng tanghali.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Jesus Ignacio, construction worker at Mica Miranda, empleyada ng kantina.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ryan Pariñas, dakong ala-1:30 ng tanghali ay kasalukuyang kumakain ng tanghalian ang ilang construction worker nang bigla na lamang bumagsak ang tatlong metal na beam sa kantina.

Sinasabing dumulas habang iniaakyat ng tower crane na nasa 7th floor ang tatlong pirasong malala­king bakal at bumagsak sa kantina ng construction site ng multi-level parking sa Greenhills, San Juan City, sa ilalim ng pamamahala ng ARDI Construction Company.

Kaagad namang narekober ng mga otoridad ang bangkay ni Ignacio at habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin natatanggal mula sa pagkakaipit ang katawan ni Miranda.

Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang posibleng pananagutan ng construction firm sa insidente.

vuukle comment

CONSTRUCTION

CONSTRUCTION COMPANY

GREENHILLS

JESUS IGNACIO

MICA MIRANDA

RYAN PARI

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with