^

Police Metro

Kelot, pinatay sa harap ng live-in partner

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - PINATAY ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ito habang nag­lalakad kasama ang live-in partner, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ang biktima si Christopher Ocampo, 40, residente ng Capricorn Street, Brgy. San Roque, ng natu­rang lungsod ay dead-on-arrival  sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng bala sa mukha at dalawang bala sa katawan.

 Naglalakad ang biktima kasama ang live-in partner na si Carla Manalaysay, 34, sa Cabrera St., dakong alas-10:15 ng gabi nang harangin ng nag-iisang salarin na nakasuot ng jacket at helmet at mabilis na pinagbabaril.

Hinihinala naman na may kasama ang gunman at gumamit ng motorsiklo sa pagtakas.  Inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa naturang krimen.

 

vuukle comment

BRGY

CABRERA ST.

CAPRICORN STREET

CARLA MANALAYSAY

CHRISTOPHER OCAMPO

HINIHINALA

NAVOTAS CITY

SAN ROQUE

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with