^

Police Metro

May ‘topak’ tumalon sa Pasig River, tigok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang hinihinalang may ‘topak’ nang tuma­lon sa Pasig River, sa bahagi ng Muelle de la Industria, sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ni SPO1 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima sa edad na 40- 45, may taas na 5’2-5’4, katamtaman ang panga­ngatawan, nakasuot lamang ng shorts na  dirty white.

Ang Philippine Coast Guard (PCG) ang  nakatagpo sa bangkay ng biktima na lumulutang sa ilog at itinawag ito sa MPD dakong alas 6:30 ng umaga.

Bagamat walang  nakakaalam ng pagkilanlan ng biktima, madalas umano itong pagala-gala sa lugar na sinasabing may diprensiya sa pag-iisip.

Batay sa nakuhang impormasyon ni Duran, nakita nina Irene Aquio, 30  at Christine Joy Mace, 25 ang nasabing biktima na tumalon sa ilog dakong ala-1:00 ng hapon noong Sabado at hindi na lumutang.

 Inakala lamang umano ng dalawa na maliligo lamang ang biktima at hindi nila inisip na malulunod ito.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Harold Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

 

vuukle comment

ANG PHILIPPINE COAST GUARD

BAGAMAT

BATAY

CHRISTINE JOY MACE

IRENE AQUIO

JOHN CHARLES DURAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PASIG RIVER

ST. HAROLD FUNERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with