^

Police Metro

2 Cafgu na nagsaway ng maingay, pinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng kanilang kasamahan na umano hindi nagustuhan ang ginawang pagsaway habang kaaway ang live-in partner sa bisinidad ng kanilang detachment sa Brgy. Consuelo, Bunawan, Agusan del Sur kamakalawa.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang  sina CAFGU Renato Lopez, 47, at CAFGU Francis Gibalay, nasa hustong gulang. 

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Jeffrey Abaio, nasa hustong gulang ng Trento, Agusan del Sur.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa bisinidad ng 23rd CAFGU detachment sa Brgy. Consuelo, Bunawan.

Nabatid na bago ang krimen ay nag-aaway umano ang suspek at ang live-in partner nito na nagsisigawan sa kanilang barracks kung saan sina­way ang suspek at live-in partner nito ni Lopez dahilan nakakabulabog.

Sumunod rin si Gibalay na sabihan ang  suspek na tumigil na sa pakiki­pagsigawan sa live-in partner dahilan oras na para palitan siya nito sa duty sa pagbabantay sa gate ng kanilang detachment.

Hindi umano nagustuhan ng suspek ang pakikialam ng dalawang kasama at ilang saglit ay lumabas ito sa barracks bitbit ang M14 rifle at saka  niratrat ang dalawa na agad nilang ikinasawi.

 

vuukle comment

AGUSAN

BRGY

BUNAWAN

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

CONSUELO

DALAWANG

FRANCIS GIBALAY

JEFFREY ABAIO

RENATO LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with