^

Police Metro

Alitan sa lupa: Kuya utas kay utol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ng isang barangay kagawad ang kanyang nakatatandang kapatid matapos na magtalo sila sa pinag-aawayang lupain naganap kamakalawa sa Brgy. Gatub, Lakewood, Zamboanga del Sur.

Namatay noon din ang biktima na si Rogelio Pinaso, 36-anyos dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na tumakas ay ang kapatid nitong si Abelino Pinaso, 28 anyos, may-asawa, barangay kagawad at residente ng Purok 6, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, bandang alas-6:00 ng umaga ay kasalukuyang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay  nang harangin at pagbabarilin ng walang kaabog-abog ng kapatid.

Nabatid na ang magkapatid ay may samaan ng loob sa isa’t isa dahil sa ito umano ay paborito ng kanyang magulang at lamang umano sa partihan sa mamanahing lupa.

vuukle comment

ABELINO PINASO

BRGY

GATUB

LAKEWOOD

NABATID

NAMATAY

PUROK

ROGELIO PINASO

TINADTAD

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with