^

Police Metro

Most wanted sa Bulacan, tiklo sa Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiklo sa Sampaloc, Maynila ang isang 52-anyos na dating Overseas Filipino Worker (OFW) na sinasabing pang 9 sa most wanted person sa Bulacan na may walong taon nang nagtatago sa batas kaugnay sa ‘crime of passion’ o pagpatay sa kalaguyo ng kaniyang misis sa lalawigan ng Bulacan noong taong 2006.

Isinilbi kahapon  ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District at Bulacan Police ang alias warrant  of arrest sa kasong murder na inisyu ni Malolos City, Bulacan RTC Branch 7, Judge Danilo Manalastas ,  sa  suspek na si  Alejandro B. Panopio, residente ng Area-C, Barangay San Martin 1, San Jose Del Monte, Bulacan, na natunton sa bahay ng kaniyang pamangkin sa #1006 Leyte St., Balic-balic, Sampaloc, Maynila.

Sinasabing nakakuha ng impormasyon si PO1 Gilbert Gunao, ng Bulacan Police na nagtatago sa Maynila ang suspek.

Nakipag-coordinate ang Bulacan PNP sa pa­ngunguna ni P/Insp. Michael Ray Bernardo sa  hepe ng District Intelligence Division ng MPD  na si PInsp. Edward Samonte para sa pag-aresto sa suspek.

Naabutan pang kumakain ang suspek sa bahay ng kanyang pamangkin  na kusang loob naman sumama sa mga awtoridad.

 

vuukle comment

ALEJANDRO B

BARANGAY SAN MARTIN

BULACAN

BULACAN POLICE

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

EDWARD SAMONTE

GILBERT GUNAO

JUDGE DANILO MANALASTAS

LEYTE ST.

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with