^

Police Metro

2 Sindikato nagsagupa: 3 Todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang grupo ng sindikato ang nagsagupa na ikinasawi ng tatlong miyembro nito habang isa ang grabeng nasugatan na naganap kamakalawa ng gabi sa Purok 4, Brgy. Bantog, San Miguel, Bulacan. 

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Liza Canino; isang alyas Bong at isang alyas Edgar.

Samantalang sugatan naman at bantay sarado ngayon sa mga otoridad ang kasamahang si Romeo Canino ng Cavite.

Sa ulat, bandang alas-11:00 ng gabi ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa natagpuang patay sa lugar.

Nang rumesponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ay narekober ang tatlong bangkay habang  namimilipit naman sa iniindang sugat si Romeo na mabilis na isinugod sa pagamutan.

Sa salaysay ni Romeo, ipinatawag umano ang mga miyembro ng kanilang sindikato ng isa pang grupo para sa umano’y isang trabahong kanilang isasagawa, subali’t hindi ang mga ito nagkasundo hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa barilan.

Ayon sa pulisya ay hindi pa malinaw ang ipinatratrabaho sa grupo ng kanilang sindikato habang tinutugis ang mga suspek na kinilalang si Ronnel Canino, residente ng Pangasinan at tatlo pa nitong kasamahan.

 

vuukle comment

AYON

BANTOG

BRGY

BULACAN

CAVITE

LIZA CANINO

ROMEO CANINO

RONNEL CANINO

SAN MIGUEL

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with