^

Police Metro

Biyuda kinatay ng kapitbahay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinadtad nang saksak ang isang biyuda ng kanyang kapitbahay na nagsagawa ng pagnanakaw sa kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Kinilala ang nasawing si Isidra Rudy, nasa hustong gulang na natagpuan ng isa nitong kaanak sa loob ng banyo na nakatali ng packing tape at tadtad ng mga saksak partikular na sa dibdib.

Sa ulat, bandang alas-10:30 ng gabi  nang maganap ang krimen sa bahay ng biyuda sa Dionio Compound, Brgy.Tumaga ng lungsod.

Ang suspek ay kinilalang si Niño Fernando, nasa hustong gulang, may-asawa at kapitbahay ng biktima.

Nabatid na nawawala ang hindi pa madeterminang halaga ng pera at alahas mula sa bahay ng ginang.

Kasalukuyan ng pinaghahanap ng mga otoridad si Fernando na siyang nakitang tumatalilis galing sa bahay ng biktima ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

Una rito ay nagkaroon ng argumento ang biktima at ang suspek sa bisinidad ng Brgy. Hall ng Brgy. Sta Maria sa lungsod na nasaksihan pa ng ilang residente sa lugar.

 

vuukle comment

BRGY

DIONIO COMPOUND

FERNANDO

ISIDRA RUDY

KASALUKUYAN

KINILALA

NABATID

STA MARIA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with