^

Police Metro

Mister, inutas ng live-in partner

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang mister makaraang pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center makaraang maubusan ng dugo ang 34-anyos na si Sherwin Escarlan, ng Catleya Street, North Bay Boulevard South, matapos na saksakin ng live-in partner nito na si Janelyn Legaspi, 33-anyos.

 Sa ulat ng pulisya, nagtalo ang mag-live-in dakong alas-5:00 kamakalawa ng hapon sa loob ng kanilang bahay hanggang sa makakuha ng patalim ang babae at saksakin sa binti si Escarlan. 

Bagama’t malayo sa bituka ang mga tinamong saksak, natagalan naman bago naisugod si Escarlan sa pagamutan kaya nalagutan ito ng hininga dahil sa pagkaubos ng dugo.

 Agad naman nadakip ng mga awtoridad ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa Navotas police.

 

vuukle comment

BAGAMA

CATLEYA STREET

ESCARLAN

JANELYN LEGASPI

NAVOTAS

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

SHERWIN ESCARLAN

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with