^

Police Metro

Kidnap victim nasagip, 7 kidnaper arestado

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado sa serye ng operasyon ang 7 miyembro ng kidnap for ransom (KFR) gang sa isinagawang rescue operation sa isang dalaga na anak ng mayamang negosyante sa Tandag City, Surigao del Sur.

Isa sa 7 suspek ay ki­nilalang si Alexander Bentoso, 44-anyos, may kasong murder at frustrated murder ng San Francisco, Agusan del Sur. Habang ang anim nitong kasama ay pansamantalang hindi muna pinangalanan.

Nabatid na ang mga suspek ay itinuturong nasa likod nang pagdukot noong nakalipas na linggo kay Susmita Saberon, 22-anyos, anak ng isang mayamang negosyante sa lalawigan.

Sa ulat ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, unang nasakote si Bentoso noong Miyerkules Santo ng hapon matapos itong maaksidente habang lulan ng kulay itim na Honda XRM motorcycle sa Brgy. Mabua, Tandag City.

Dinala sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City si Bentoso at dito ay iti­nurnover ng security guard sa mga traffic investigator ang bag nito na nadiskubreng naglalaman ng P30,500 cash.

Nang magsagawa nang beripikasyon ang pulisya ay natukoy na kabilang ang suspek sa dumukot kay Saberon at ang P30,500 cash na nakuha mula rito ay nag-match mula sa ransom na ibinayad ng pamilya ni Saberon sa mga kidnappers kapalit ng kalayaan nito.

Agad na nagsagawa ng follow-up operations ang mga otoridad nitong Huwebes Santo at Biyernes Santo na nagresulta sa pagkakadakip sa iba pang suspek  sa iba’t ibang lugar sa Tandag  City  na nagresulta rin sa pagkakasagip kay Saberon.

Nasa maayos ng kondisyon si Saberon matapos itong masagip ng mga operatiba ng pulisya.

vuukle comment

ADELA SERRA TY MEMORIAL MEDICAL CENTER

ALEXANDER BENTOSO

BENTOSO

BIYERNES SANTO

HUWEBES SANTO

MARTIN GAMBA

MIYERKULES SANTO

SABERON

TANDAG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with