^

Police Metro

Bahay ng karibal tinangkang sunugin

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang lalaki na nagtangkang manunog ng bahay ng kanyang karibal sa pag-ibig kamakailan sa Taguig City.

Ang suspek na kinasuhan ng  attempted arson ay kinilalang si Renato Bianzon, Jr., nasa hustong gulang at tubong Cavite City.

Inireklamo ito ng kanyang karibal sa pag-ibig na si Johnny Valdez ng  Orchid St., Katipunan Village, Barangay­  Western Bicutan ng lungsod.

Sa ulat  ng pulisya bago ang tangkang pagsunog ng suspek sa bahay ng biktima noong Biyernes ng alas-8:00 ng gabi ay kapwa nila nililigawan ang isang nanga­ngalang Edith.

Subalit, mas pinili ng dalaga ay si Valdez dahil sa may trabaho ito habang ang suspek ay jobless.

Bago ang tangkang panununog ng nasabing araw ay nakita ang suspek na umaaligid sa bahay ng biktima kaya’t humingi siya ng tulong  sa mga barangay tanod.

Nang kapkapan ang suspek ay nakuha ang isang patalim, subalit mabilis itong nakatakas at kinagabihan ay bumalik pa umano ito sa bahay ng karibal na may bitbit ng timba na may lamang tela at gasolina bago sinindihan at inihagis sa loob ng bahay ni Valdez.

Kaagad na nagliyab ang dingding at bahagi ng kisame ng bahay ni Valdez, dahil sa mabilis na pagtulong  ng mga kapitbahay ay naapula ang apoy bago pa man ito lumaki.

 

vuukle comment

CAVITE CITY

JOHNNY VALDEZ

KATIPUNAN VILLAGE

ORCHID ST.

RENATO BIANZON

TAGUIG CITY

VALDEZ

WESTERN BICUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with