^

Police Metro

Mister kinatay ni misis... ‘Till death do us part’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang tinupad ng isang misis ang sinumpaan nitong pangako nang sila ay ikasal ng kanyang mister na kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa kanila nang siya mismo ang kumatay sa kanyang mister matapos ang mainit nilang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion, Siayan, Zamboanga del Norte.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa pagkarit sa kanyang leeg at pagtaga sa iba’t ibang parte ng mukha ay kinilalang si Jimmy Otto, 34, magsasaka.

Agad namang nadakip ang misis nitong si Jinky  Mendoza Otto, 37, na kinasuhan ng parricide.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay kapwa la­sing ang mag-asawa nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malaman na kadahilanan.

Dito ay napikon ang misis at agad hinagilap ang karit na panggapas ng damo saka kinarit sa leeg ang mister.

Habang namimilipit sa sakit ang mister ay hindi pa nakuntento  ang misis ay pinagtataga pa sa mukha  at baba na siya nitong ikinamatay.

Naaresto ang misis sa bahay ng kanyang kapatid na babae sa nasabing bayan.

 

vuukle comment

BRGY

DITO

HABANG

JIMMY OTTO

JINKY

MENDOZA OTTO

MISTULANG

NAARESTO

NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with