^

Police Metro

4 tiklo sa derby ng gagamba

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na lalaki ang inaresto matapos na mahuli sa aktong  nagsusugal sa pamamagitan ng “derby” ng mga gagamba, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Cristopher Ocampo, 40, ng Roldan St.; Anthony Reyes, 24, ng Cabrera St.; Ariel Faustino, 47, ng Cabrera St., pawang ng Brgy. San Roque, Navotas; at Rey Mikael Caranglan, 27 ng M. Naval St., Brgy. San Jose ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:10 ng hapon nang makatanggap ng tawag sa telepono ang  Navotas City Police ukol sa nagaganap na iligal na sugal ng gagamba sa may Cabrera st., Brgy. San Roque.

Inabutan ng mga pulis sa lugar ang isang grupo ng mga lalaki na nagkakagulo sa isang laban ng mga gagamba kaya’t agad pinagdadampot ang apat na suspek at nakuha sa lugar ang P300 bahagi ng perang pusta, 10 mga gagamba na pinaglalaban, at mga paraphernalia.

 

vuukle comment

ANTHONY REYES

ARIEL FAUSTINO

BRGY

CABRERA ST.

CRISTOPHER OCAMPO

NAVAL ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

REY MIKAEL CARANGLAN

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with