Fetus itinapon sa simbahan
MANILA, Philippines - Natagpuan ng isang security guard ang isang fetus na nakasilid sa plastic bag malapit sa banyo ng Our Lady of Mercy Parish na matatagpuan sa Quirino Highway, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City kahapon ng madaling araw.
Sa salaysay ng guwardiyang si Virgilio Apostol na nagpapatÂrulya sa paligid ng simbahan nang mapuna nito ang isang plastic bag na nakahambalang malapit sa pinto ng kubeta.
Nang ito ay kanyang tignan ay bumulaga sa kanya ang nasabing fetus kung kaya’t agad niyang ipinagbigay alam sa pulisya.
Posible anyang inihagis lang ang fetus sa simbahan, dahil imposibleng makapasok ang mga taong maglalagay nito sa loob dahil nakasarado ito at may gate pang dapat daanan bago makapasok.
- Latest















