^

Police Metro

Caretaker ng DPWH natagpuang patay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa ng malamig na bangkay ng matagpuan ang isang 53-anyos na caretaker sa gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bonifacio Drive, Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakadapa sa sahig at hindi na gumagalaw ang biktimang si Ricardo Guarino, stay-in sa DPWH, nang mapansin ng janitress na si Annalyn de la Cruz.

Pumasok umano sa employees barracks si De la Cruz  para magpalit ng kanyang uniporme   dakong alas-8:00 ng umaga nang makita niya ang nakadapang biktima sa sahig.

Nagtaka si Dela Cruz kung bakit nasa sahig ang biktima kaya nilapitan niya ito at gigisingin sana pero ng kanyang mahawakan ay matigas at malamig na ang katawan ng biktima.

Hindi pa batid ang dahilan ng pagkamatay ng caretaker, bagama’t wala namang makitang palatandaan ang pulisya na sadya itong pinatay pero nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon upang mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

Inilagak na sa Nathan Funeral Parlor ang labi ng biktima para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

ANNALYN

CRUZ

DELA CRUZ

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

INILAGAK

ISA

MAYNILA

NATHAN FUNERAL PARLOR

PORT AREA

RICARDO GUARINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with