^

Police Metro

3 helper minasaker

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Niratrat ng dalawang lalaki ang tatlong helper habang ang mga ito ay nagsusunog ng kable ng kuryente sa Bauan, Batangas kamakalawa.

Namatay noon din si Andres Sta. Rita, 37, habang idineklarang dead-on-arrival sina Isidro Peras, 39 at Domingo Marasigan alyas “Joel”, 32, pawang mga helper sa Brgy. San Teodoro, Bauan, Batangas.

Batay sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon habang nagsusunog ng kable ng kuryente ang mga biktima sa bakanteng lote na pag-aari ni Hermie Atienza sa nasabing barangay nang bigla na lang dumating ang dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet.

Armado ang mga ito ng mahaba at maigsing baril at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang mga biktima at saka tumakbo palayo.

 Narekober sa lugar ng pinangyarihan  ang isang bala ng AK 47; isang bala ng Cal 5.56 at isang bala ng cal 45.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang mga suspek at ano ang motibo para patayin ang mga biktima.

vuukle comment

ANDRES STA

ARMADO

BATANGAS

BAUAN

DOMINGO MARASIGAN

HERMIE ATIENZA

ISIDRO PERAS

SAN TEODORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with