^

Police Metro

Rider tigok sa pakikipagkarera

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tigok ang isang motorcycle rider makaraang barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek na lulan naman ng isa pang motor na naka-karerahan nito sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na si Dewy Ontog, 30, ng Block.11, Lot 23, Barangay Upper Bicutan, Taguig City.  Nagtamo ito ng mga tama ng bala buhat sa isang kalibre .40 pistola sa iba’t ibang parte ng katawan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:35 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa Macapagal Ave, Roxas Boulevard sa lungsod ng Pasay.  Sakay umano ng kanyang asul na motorsiklo (2656-HZ) nang overtaken ang isa pang motorsiklo lulan ang suspek.

Hinabol naman ito ng biktima at nang magdikit ang kanilang mga motor ay sunud-sunod nang pinaputukan ang biktima. Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang salarin.

Narekober sa crime scene ang 19 na basyo ng bala ng kaliber 40 na baril.

 

vuukle comment

BARANGAY UPPER BICUTAN

DEWY ONTOG

HINABOL

MACAPAGAL AVE

MATAPOS

NAGTAMO

NAREKOBER

PASAY CITY

ROXAS BOULEVARD

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with