^

Police Metro

Isa nabuntis ... 5 anak hinalay ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung hindi pa napansin ng isang guro na lumalaki ang tiyan ng 16-anyos na dalagita ay hindi matutuklasan ang ginawang panghahalay ng sariling ama sa kanya at apat nitong kapatid na babae naganap sa Brgy. Cabayaoasan, Bugallon, Pangasinan.

Ang suspek na inaresto ng pulisya ay itinago sa pangalang Tanod Bo­ying, 44-anyos. Itinago ang pangalan ng suspek ay upang maprotektahan ang kinabukasan ng lima nitong anak.

Sa ulat ng Pangasi­nan Police, inaresto ang suspek matapos na lumuluhang magtapat sa kaniyang guro ang 16-anyos na biktimang itinago sa pangalang Melanie na nabuntis siya dahilan sa panggagahasa ng kaniyang ama.

Ayon sa guro na napansin niya na lumalaki ang tiyan ng biktima na madalas mahilo at maduwal sa klase kaya inusisa ito kung kaya’t tinanong niya ito at ipinagtapat ang ginawa sa kanilang magkakapatid ng ama.

Bukod kay Melanie ay ginahasa rin ng ama ang apat nitong anak na itinago sa mga pangalang Amy, 15; Sofia, 14; Anna, 11; Grace, 9.

Agad sinamahan ng kaniyang guro sa himpilan ng Children’s and Women’s Desk si Melanie at ipinagharap ng reklamo ang ama na agad inaresto.

Ayon kay Melanie,11-anyos pa lamang umano siya ng magsimulang halayin ng kaniyang ama.

Lumalabas sa medical examinationa na nakumpirmang apat na buwang buntis si Melanie.

Nabatid  na ang ina ng mga bata ay sa Maynila nagtratrabaho at buwanan kung umuwi kaya naiiwan sa pangangalaga ng kanilang ama.

Pinabulaanan naman ng suspek ang akusasyon, subalit positibong itinuro siya ng lima niyang anak na sila ay hinahalay at sinasaktan pa kapag sila ay tumatanggi.

Nahaharap ngayon sa kasong multiple rape at child abuse ang suspek.

vuukle comment

AMA

AYON

BRGY

BUGALLON

BUKOD

CABAYAOASAN

ITINAGO

MELANIE

TANOD BO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with