^

Police Metro

Cedric, Deniece et al kinasuhan ng perjury..

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng  It’s Showtime TV host at aktor na si Vhong Navarro ng  perjury sina Cedric Lee, Deniece Millinette Cornejo at tatlong iba pa bunsod na rin ng pagsisinungaling sa insidente ng pambubugbog dito noong Enero 22 sa Taguig.

Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Alma Mallonga, manager na si Chito Roño  at Tony Calvento sinabi ni  Vhong na  ang kanyang sinumpaan ay walang labis at walang kulang at nararapat lamang sa dalawang nabanggit na respondents kasama pa sina  JP Calma, Simeon Raz at Berniece Lee.

Sinumpaan ni  Vhong  ang kanyang  complaint affidavit sa ilalim ng  Art. 183  sa tanggapan ni  City Prosecutor Atty. Edward Togonon.

Nanindigan si Vhong na pawang mga kasinunga­lingan ang  mga ipinahahayag sa TV ng  lima dahil ang kanyang pahayag ay kinumpirma naman ng  CCTV na nakuha ng   Forbeswoods Heights sa Taguig City noong Enero 22. 

Sinabi ni Mallonga na unti-unti na ring lumilitaw ang katotohanan dahil mismong ang mga  respondents ang siyang nagbubulgar ng katotohan.

Nabatid pa  kay  Mallonga na  pinag-aaralan din nila  ang pagsasampa ng kasong libelo laban sa  anim dahil pawang mga paninira ang  ibinunyag ng  lima laban kay Vhong.

 

vuukle comment

ALMA MALLONGA

BERNIECE LEE

CEDRIC LEE

CHITO RO

CITY PROSECUTOR ATTY

DENIECE MILLINETTE CORNEJO

EDWARD TOGONON

ENERO

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with