^

Police Metro

Dalaga binoga sa mukha, bulagta

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang dalaga makaraang barilin sa mukha ng hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City,  kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Jennifer Villarin, 34, nakatira sa Block 28, Area 3, Manga st., Brgy. Capri, Novaliches.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa mukha na naglagos sa likuran ng ulo nito at agad na nasawi.

Base sa pahayag ng ilang residente sa lugar, ang biktima umano ay isang bugaw at sangkot din sa pagbebenta ng iligal na droga na siyang masusing iniimbestigahan ngayon ng pulisya.

Nabatid na ang krimen ay naganap sa Geronimo St., Brgy. Sta Monica, Novaliches, ganap na alas-7:30 ng umaga.

Sinabi nina Lita Podra at Corina Mollejo, mga tindera sa lugar,  nag-aasikaso sila ng kanilang mga paninda nang marinig nila ang putok ng baril malapit sa kanilang lugar.

Agad nilang pinuntahan ang pinagmulan ng putok at doon ay makita ang nakabulagtang dalaga at wala ng buhay.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang salarin.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CORINA MOLLEJO

GERONIMO ST.

HERMOGENES CAPILI

JENNIFER VILLARIN

LITA PODRA

NOVALICHES

QUEZON CITY

STA MONICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with