^

Police Metro

Anak ng mayamang Chinese kinidnap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang engineering student na anak ng mayamang negosyanteng Chinese ang kinidnap ng hindi pa nakilalang mga salarin kamakalawa ng gabi sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ang biktima ay kinilalang si Stephen Tan Yankee Mago, 19, estudyante ng Southern Mindanao College at naninirahan sa Sitio Mahayahay, Brgy. Manga.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi ay naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Cabrera St., Brgy. Gatas, at pagdating sa tanggapan ng Philippine Health Insu-­   rance Corporation ay bigla na lamang sumulpot ang mga kidnaper.

Puwersahang kinaladkad ang biktima at isinakay sa kanilang getaway vehicle na isang Ford pickup truck (KJS -723) na tumahak patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang grupong nasa likod nang pagdukot sa biktima.

vuukle comment

BRGY

CABRERA ST.

ISANG

PAGADIAN CITY

PATULOY

PHILIPPINE HEALTH INSU

SITIO MAHAYAHAY

SOUTHERN MINDANAO COLLEGE

STEPHEN TAN YANKEE MAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with