^

Police Metro

2 rider todas sa semplang at bangga

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay ang dalawang motorcycle rider sa magkahiwalay na aksidente sa Pasig City at boundary ng Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Martin Hercules C. Gino II, 45, ng 2257 Marconi St., San Isidro, Makati City, at Engelbert Peñol, 35, ng Barangay Pinahan, Maybunga, Pasig City.

Sa unang aksidente, dakong alas-11:00 ng gabi nang may nakagitgitan na sasakyan si Gino sa C-5 Road, Ortigas Avenue na naging dahilan nang pagsemplang nito sa isang railings.

Pagbagsak ni Gino ay minalas naman na ma-hit and run ito ng isang trak na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ilang oras ang nakakalipas nang mabangga si Peñol habang minamaneho ang kanyang motor ng  isang kotseng Sedan na minamaneho naman ng isang Reuben George Robles sa intersection ng kanto Greenmeadows Subdivision at Ortigas Avenue.

Sa salaysay ni Robles, bigla na lamang sumulpot si Peñol gayung naka-red light ang kanyang linya kaya’t nabangga niya ito.

Tumilapon ang biktima may ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente na siyang naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

 

vuukle comment

BARANGAY PINAHAN

ENGELBERT PE

GINO

GREENMEADOWS SUBDIVISION

MAKATI CITY

MARCONI ST.

MARTIN HERCULES C

ORTIGAS AVENUE

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with