^

Police Metro

December bill balewalain - Meralco

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Balewalain na lamang ang natanggap na electric bill ngayong Disyembre na nagkaroon na ng pagtataas sa generation charge.

Ito ang naging panawagan kahapon ng Manila Electric Co. (Meralco) sa kanilang milyun-milyong kliyente at maaaring bayaran na lamang ng mga ito ang katumbas na halaga ng kanilang bill noong Nobyembre.

Ito ang naging tugon ng Meralco sa inilabas na “temporary restraining order (TRO)” ng Korte Suprema na nag-uutos na suspindehin ang P4.15 generation charge increase na inaprubahan ng Ener­gy Regulatory Commission (ERC).

Sinabi ni Al Panlilio, Meralco senior vice president and head of  Customer Retail Services and Corporate Communications, may opsyon din ang kanilang kliyente na bayaran ang December bill nila kung mas mababa ito sa kanilang bill noong Nobyembre. 

Nilinaw nito na kung ang nais bayaran ng kli­yente ay ang November bill, mababayaran lamang ito sa kanilang Meralco Business Center habang kung ang December bill ang babayaran ay maaari na itong bayaran sa lahat ng Bayad Center outlets.

Sa mga nakapagbayad naman sa kanilang December bills, balewalain lamang ang liham at ang Meralco na umano ang gagawa ng paraan para magsagawa ng adjustment sa susunod na bill.

vuukle comment

AL PANLILIO

BAYAD CENTER

BILL

CUSTOMER RETAIL SERVICES AND CORPORATE COMMUNICATIONS

KORTE SUPREMA

MANILA ELECTRIC CO

MERALCO

MERALCO BUSINESS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with