^

Police Metro

Pakistani inutas dahil sa alagang aso

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Pakistani natio­nal ang pinagbabaril ng kanyang kapitbahay kamakalawa nang magtalo ukol sa alagang aso ng una na tahol nang tahol  tuwing hatinggabi na ikinaiirita ng suspek naganap sa Brgy. Gaya-gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa leeg at nasawi habang ginagamot sa ospital ay nakilalang si Chaundry Hussain, negosyante.

Naaresto agad ang suspek na si Almansor Sanday 40, tubong Talayan, Maguindanao at residente ng Towerville Subd., Brgy. Gaya-Gaya sa naturang siyudad.

Batay sa ulat, dakong ala-1:15 ng hapon ay kasaluku­yang pinakakain ng biktima ang kanyang alagang aso nang dumating ang suspek at kinompronta ito tungkol sa alagang aso  na umano ay  tahol nang tahol  tuwing gabi dahilan para maistorbo ang suspek sa pagtulog.

Ikinatuwiran ng biktima na kaya tahol nang tahol ng kanyang aso ay dahil sa may nakikita ito na ibang tao at anya ay dapat na matuwa ang suspek dahil may nagbabantay sa kanilang lugar.

Lalong nainis ang suspek sa katuwirang ng biktima at agad na binunot nito ang baril na kalibre 45 at pinaputukan ng dalawang beses ang biktima.

Narekober sa suspek ang baril na walang kaukulang dokumento at kinasuhan na rin ng homicide.

 

vuukle comment

ALMANSOR SANDAY

BATAY

BRGY

BULACAN

CHAUNDRY HUSSAIN

ISANG PAKISTANI

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SUSPEK

TOWERVILLE SUBD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with