^

Police Metro

Kawani ng PAGCOR binoga sa ulo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang isang kawani ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nang barilin sa ulo ng mga hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang biktima ay kinilalang si  Johannes De Asis, 43, CCTV technician ng PAGCOR sa Manila Pavillion Hotel sa UN Avenue, Maynila at residente ng no. 1316 Mataas na Lupa Street, Malate, Maynila.

Sa ulat,  dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi ay sakay ang biktima ng kanyang puting Honda Civic (UFD-826) at pagdating sa kanto ng Seaside Blvd., at J.W. Diokno Blvd., ng naturang lungsod ay nilapitan ito ng mga suspek at malapitang binaril sa ulo.

Sa salaysay ng security guard na si Jumen Gerale ng DJA Security Agency, kumakain siya sa kanilang barracks nang makarinig ng putok na  inakala niyang sumabog na gulong. 

Nang inspeksyunin ang pinagmulan ay nakita niya ang duguang at naghihingalo pang biktima na nakalugmok sa loob ng naturang kotse kaya’t humingi siya ng saklolo sa mga kasamahan para madala ang biktima sa pagamutan.

Tinitingnan ng pulisya  kung may kinalaman sa kanyang trabaho sa casino ang pamamaslang.

 

vuukle comment

DIOKNO BLVD

HONDA CIVIC

JOHANNES DE ASIS

JUMEN GERALE

LUPA STREET

MANILA PAVILLION HOTEL

MAYNILA

PASAY CITY

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with