^

Police Metro

Driver na nagwala, tinodas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang tricycle driver makaraang barilin sa ulo ng isang lalaki na naingayan sa ginagawa nitong pagwawala sa tapat ng bahay ng kanyang da­ting  karelasyong babae, sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Reynaldo Villanueva, 45-anyos, may-asawa,  nakatira sa  #113 Adabte St., Bgy. Tañong, sa lungsod.  Agad namang nadakip ng mga otoridad ang suspek na si Franklin Hinaniban, 26-anyos, ng Pinagsabugan, Longos, sa lungsod.

Sa ulat ng Malabon Police, lasing na nagtungo dakong alas-10 ng umaga ang biktima sa harap ng bahay ng babaeng dati nitong karelasyon sa Pinagsabugan, Brgy. Longos at nag-umpisang magwala nang hindi siya harapin ng babae.

Nagalit naman ang kapitbahay na si Hinaniban dahil sa nililikhang ingay ng pagwawala ni Villanueva. 

Nauwi ang pagtatalo sa hamunan ng away hanggang sa lumabas ng kanyang bahay ang suspek na armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at agad na paputukan si Villanueva nang malapitan sa ulo.

Nagtangka pa umanong tumakas ang suspek ngunit agad na nasakote ito ng mga rumespondeng pulis at barangay tanod.

vuukle comment

ADABTE ST.

FRANKLIN HINANIBAN

LONGOS

MALABON CITY

MALABON POLICE

PINAGSABUGAN

REYNALDO VILLANUEVA

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with