^

Police Metro

Holdaper napatay sa gulpi

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaki na umano ay holdaper ng pampasaherong jeep ang nasawi nang ito ay gulpihin ng mga galit na pasahero na tinangka nitong holdapin sa Pasay City.

Ang suspek na walang pagkakakilanlan na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ay nasa pagitan ng edad 30-35, katamtaman ang katawan, mahaba ang buhok, nakasuot ng t-shirt na iba’t iba ang kulay at maong na pantalon.

Hindi pa kilala ang limang lalaki na nakitang nagtulong-tulong sa panggugulpi sa suspek.

Sa ulat, dakong ala-1:15 ng madaling-araw sa kanto ng Cabrera St., at EDSA ay nasaksihan ng dalawang tricycle driver na bumaba ng jeep ang limang lalaki at hinabol ang suspek na umano ay nagtangkang mangholdap.

Nang abutan ay walang habas na pinagsusuntok at pinagtatadyakan hanggang mawalan ito ng malay tao.

Nakuha ng pulisya sa nasawi ang isang replica ng kalibre .38 revolver na may anim na bala na nakasukbit pa sa kanyang baywang.

 

vuukle comment

CABRERA ST.

CITY

ISANG

LALAKI

NAKUHA

NANG

NASAWI

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with