^

Police Metro

Kargador utas sa magkapatid

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang kargador makaraang pagtulungang saksakin ng mag-utol na kapwa kargador rin dahil sa pang-aagaw umano ng biktima ng kanilang suki, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Agad na nasawi dahil sa maraming tama ng saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Anthony Mahinay, 46-anyos, residente ng Letre, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.

Isinugod naman sa Tondo Medical Center ang magkapatid na suspek na sina Dominador, 37 at Jimmy Peñaranda, 42, kapwa ng Sta. Maria, Bulacan, makaraang magtamo rin ng mga sugat sa insidente.

Sa ulat ng Malabon Police, ala-1:20 ng madaling araw kahapon nang sitahin ni Dominador ang biktima sa loob ng Malabon Public Market sa Estrella Street, Brgy. Tañong, dahil sa ginawang pang-aagaw umano sa kanyang suki.

Nauwi ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa mauwi ito sa suntukan.  Nakita naman ni Jimmy ang pangyayari at sinaklolohan ang kapatid.  Isa sa mga ito ang nagbunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima.

 

vuukle comment

ANTHONY MAHINAY

BRGY

DOMINADOR

ESTRELLA STREET

JIMMY PE

MALABON CITY

MALABON POLICE

MALABON PUBLIC MARKET

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with