^

Police Metro

Estudyante nagpakamatay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Makaraang malaman na hindi na siya makakapagpatuloy ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo, kaya minabuti ng isang estudyante na wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Divine Heaven Hospital ang biktimang nakilalang si Jonas Leano, 22-anyos, estudyante ng Quezon City Polytechnic College, at naninirahan sa Main Road, Dolmar Subdivision ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:10 ng Sabado ng gabi nang matagpuan ang katawan ng biktima na nakabigti sa loob ng banyo ng kanyang bahay.

Kauuwi lamang ng mga kasama sa bahay ng biktima ngunit naabutan na nakakandado ang pinto.  Napilitan ang mga kapamilya ni Leano na puwersahang buksan ang pinto hanggang sa matagpuan ang katawan nito na nakabitin sa may banyo gamit ang isang lubid.

Agad na kinalag sa pagkakatali ang lubid at isinugod si Leano sa pagamutan ngunit idineklarang wala nang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon, naging malungkutin ang biktima nang malamang hihinto muna sa pag-aaral dahil sa kakapusan ng pera ng kanyang pamilya.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DIVINE HEAVEN HOSPITAL

DOLMAR SUBDIVISION

JONAS LEANO

KAUUWI

LEANO

MAIN ROAD

MAKARAANG

NAPILITAN

QUEZON CITY POLYTECHNIC COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with