^

Police Metro

Kelot inutas sa waiting shed

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril  ng hindi pa kilalang suspek ang isang lalaki na nakaupo at nagpapahinga sa isang waiting shed sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay inilarawan na ang edad ay nasa pagitan ng 15-20, may taas na 5’8”, may tattoo na “yinjel” sa dibdib, at “commando” sa likuran, nakasuot ng kulay brown na t-shirt at asul na short pants.

Sa salaysay ng isang security guard na nagbabantay malapit sa waiting shed na nakarinig siya ng mga putok ng baril dakong ala-1:30 ng madaling araw sa may Neptune St., Brgy. Tandang Sora, 

Itinawag nito ang insidente sa Police Station 3 at nang respondehan ay nadatnan ang biktima na duguang nakayuko at wala ng buhay at narekober sa  lugar ang anim na basyo ng bala ng kalibre 45.

vuukle comment

BRGY

ISANG

ITINAWAG

NEPTUNE ST.

PINAGBABARIL

POLICE STATION

QUEZON CITY

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with