^

Police Metro

Negosyante, patay sa 4 na BPAT

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa paga­mutan ang isang negosyante matapos itong pagtulungang barilin at pagtatagain ng apat na miyembro ng Barangay Police Action Team (BPAT) kahapon ng umaga sa Navotas City.

Ang biktima ay hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ay nakila­lang si George Bullos, 59, ng BJA Old Fishport, Barangay Northbay Boulevard South ng naturang lungsod.

Nakakulong naman ang isa sa apat an suspek na si Lino Bacalunay, 50, presidente ng BPAT habang nakatakas naman ang mi­yembro nito na sina Jeffrey Bacalunay anak ni Lino; Serafin Orolano at Eliseo Bardeloza na pawang residente ng Virgo Drive ng nasabing barangay.

Ayon sa report na natanggap ni  Police Sr. Supt. Conrado Gongon, hepe ng Navotas City, naganap ang insidente  dakong alas-10:00 ng umaga sa Virgo Drive, Barangay NBBS ng naturang lungsod.

Habang naglalakad ang biktima at ang anak nitong si Gerald  sa nasabing lugar nang harangin ng mga suspek at agad na pinagtataga at pinagbabaril si George na naging dahilan upang hindi na ito umabot ng buhay sa pagamutan.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay nadakip si Lino habang nagpapagamot ito  sa naturang ospital dahil sa mga sugat nito sa paa. – Lordeth B. Bonilla –

vuukle comment

BARANGAY NORTHBAY BOULEVARD SOUTH

BARANGAY POLICE ACTION TEAM

CONRADO GONGON

ELISEO BARDELOZA

GEORGE BULLOS

JEFFREY BACALUNAY

LINO BACALUNAY

LORDETH B

NAVOTAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with