^

Police Metro

3-anyos napatay ng 5-anyos

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang 3-anyos na ba­tang lalaki ang nasawi matapos na aksidenteng mabaril ng 5-anyos na pinsang babae habang sila ay naglalaro kamakailan sa Brgy. Makiling, Sagay City, Negros Occidental.

Ang nasawi ay kinila­lang si Kenneth Alipan, na tinamaan ng  bala sa noo na unang isinugod sa Maranon District Hospital at inilipat sa Corazon Locsin Montelibano Regional Hospital kung saan bina­wian ito ng buhay bandang alas-10:00 ng gabi nitong linggo.

Halos tulala ang suspek na itinago sa pangalang Millet bunga ng sinapit ng kaniyang pinsan. 

Nabatid na kasalu­ku­yang naglalaro ang mag­pinsan sa bahay ng kanilang lola sa nasabing lugar nang mangyari ang insidente. 

Masayang naglalaro ang dalawang bata nang bigla na lamang kunin  ng malikot na si Millet ang boga na nakasabit sa dingding at saka kalabitin na sumapul sa noo ng bik­tima.

Napasugod naman ang lola ng mga bata matapos na marinig ang malakas na putok ng baril kung saan nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima pero binawian ito ng buhay makalipas ang ilang oras.

vuukle comment

BRGY

CORAZON LOCSIN MONTELIBANO REGIONAL HOSPITAL

ISANG

KENNETH ALIPAN

MAKILING

MARANON DISTRICT HOSPITAL

NEGROS OCCIDENTAL

SAGAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with