^

Police Metro

Mister tinodas ng tatlo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang naganap na pamamaslang sa isang mister na pinagbabaril ng tatlong lalaki, kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital ang biktimang si Gil Vergara, 34-anyos, may asawa, nakatira sa Phase 2 Tumana, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Tikom naman ang bibig ng mga residente ukol sa tatlong salarin na bumaril sa biktima.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang krimen dakong alas-4:00 ng madaling araw sa Phase 2, NBBS. 

Ayon sa ilang nakausap ng pulisya, nakita nila ang biktima na tumatakbo at hinahabol ng tatlong lalaki na armado ng baril.

Nakarinig sila ng su­nud-sunod na putok ng baril hanggang sa matagpuan ang duguang biktima na sinaklolohan naman ng mga opisyal ng barangay.

Sa kabila nito, wala namang nais na maging testigo sa krimen kung saan hirap ang pulisya sa pagkilala sa mga salarin.

vuukle comment

AYON

BRGY

GIL VERGARA

NAKARINIG

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

POSIBLENG

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with