^

Police Metro

3 NPA rebels todas sa sagupaan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang tatlong rebeldeng New People’s Army (NPA) habang isa namang sundalo ang nasugatan nang makasagupa ang tropa ng militar kahapon ng umaga sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Sa ulat ni Capt. Mark Anthony Ruelos, spokesman ng Army’s 7th Infantry Division, bandang alas-6:00 ng umaga nang makasagupa ng mga ele­mento ng Army’s 48th Infantry Battalion (IB) ang grupo ng mga rebelde sa Brgy. Kabayunan ng nasabing bayan.

Agad nagkaroon ng putukan sa pagitan ng mag­kabilang panig na tumagal ng mahigit sampung minuto na ikinasawi ng tatlong rebelde matapos na inabandona ng mga nagsitakas nilang kasamahan.

Narekober rin sa lugar ang isang M16 rifle na pag-aari ng isa sa mga napatay na rebelde.

Ang nasugatang sundalo na may ranggong Private First Class ay mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Nabatid na nakatanggap ng report ang militar hinggil sa pangingikil ng revolutionary tax ng grupo ng nasa 12 mga armadong rebelde kaya’t agad nagresponde ang mga sundalo sa lugar.

Samantala, nadakip naman sa isang operasyon kamakalawa sa lalawigan ng Quezon ang dalawang mataas na lider ng mga rebeldeng NPA  sa Bondoc Peninsula na kinilalang sina ng Juanito dela Peña alyas Ka Jacko at Joel Peros alyas  Ka Reyman, 35-anyos.

Nabatid na ang dalawa ay magkakasunod na nasakote nitong nakalipas na dalawang araw matapos matunton ng security forces ang kanilang pinagtataguan.

Unang naaresto  si Ka Jacko sa San Francisco, Quezon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted murder na inisyu ng Regional Trial Court  Branch 62 sa Gumaca, Quezon.

Sumunod namang nasakote ng 74th Infantry Battalion si Ka Reyman, na nahaharap rin sa kasong attempted murder sa parehong korte sa follow-up operation kamakalawa sa San Andres, Quezon.

vuukle comment

BONDOC PENINSULA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOEL PEROS

KA JACKO

KA REYMAN

MARK ANTHONY RUELOS

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with