^

Police Metro

Bagong warship ng PN dumating na

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dumating kahapon ang pangalawa at pina­kabagong warship ng Philippine Navy na BRP Ramon Alcaraz (PF 16) sa Port of Subic makaraan ang halos dalawang buwang paglalayag mula sa Estados Unidos.

Pinangunahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang pagsalubong sa 87 opisyal at tauhan ng barko sa pamumuno ni Captain Ernesto Baldovino nang dumaong ito sa Alava Pier ganap na ika-9:45 ng umaga kahapon.

Ang BRP Alcaraz ay dating US Coast Guard Ha­milton class cutter at unang ginamit ng US Coast Guard Cutter Dallas bago ito isinalin sa pangangasiwa ng Pilipinas bilang Excess Defense Article sa ilalim ng Foreign Assistance Act.

Ang BRP Alcaraz ay may bigat na 3,250 tonelada na may dalawang 3,000 horse power diesel engine na may kakayahan ng mas matagal at tuloy-tuloy na tulin na mahigit sa 15 knots, at dalawang 18,000HP gas turbine na kayang magpatulin hanggang 25 knots kung kinakailangan.

Ipinangalan sa bayani ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Officer ng Philippine Navy Commodore Ramon Alcaraz na namuno sa isang Philippine Offshore Patrol’s Q-Boat Abra (Q-112)

vuukle comment

ALAVA PIER

ALCARAZ

CAPTAIN ERNESTO BALDOVINO

COAST GUARD CUTTER DALLAS

COAST GUARD HA

ESTADOS UNIDOS

EXCESS DEFENSE ARTICLE

FOREIGN ASSISTANCE ACT

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with