^

Police Metro

Fotog inutas sa harap ng mag-ina

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinasok ng nag-iisang lalaki ang bahay ng isang freelance photojournalist at dito ay pinagbabaril siya sa harap ng asawa’t anak naganap kamakalawa sa General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Mario Sy, 53-anyos ng Purok, Sta. Cruz Silway, Brgy. Dadiangas West ng nasabing lungsod na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Batay sa ulat, bandang alas-7:40 ng gabi nang biglang pumasok ang hindi pa kilalang suspek sa bahay ng biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ito sa harap ng kanyang mag-ina.

Mabilis na tumakas ang salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Narekober naman ng mga otoridad ang dalawang basyo ng bala ng cal.45 pistol sa crime scene.

Kinondena naman ni JB Devesa ng National Union of Journalist of the Philippines Mindanao Media Safety Office ang pamamaslang kay Sy na  contributor sa ilang lokal na pahayagan ng lungsod kabilang ang SAPOL News  at bukod dito ay kumukuha rin ito ng mga larawan sa mga kasalan at iba pang mahahalagang okasyon.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CRUZ SILWAY

DADIANGAS WEST

DEVESA

GENERAL SANTOS CITY

KINILALA

KINONDENA

MARIO SY

NATIONAL UNION OF JOURNALIST OF THE PHILIPPINES MINDANAO MEDIA SAFETY OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with