^

Police Metro

2 trader pinatay

Doris Borja, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dalawang lalaking ne­gosyante ang pinatay sa mag­kahiwalay na insidente sa Maynila at Surigao del Sur.

Ang biktima na idinek­la­rang dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos  General Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo ay kinilalang si  Jaime Javier, 45, ng Block 6, Lot 6 Yakal St., Camella Homes, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat, pasado alas-12:50 ay nagbebenta ng mga  kalabasa ang biktima sa kanto ng CM Recto at Elcano St.,Tondo nang dumating ang hindi nakilalang lalaki at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo.

Patay din sa pamamaril at pananaksak ang negos­yante na si Graciano Tayco, 38 ng dalawang hindi pa kilalang lalaki sa Brgy. Sta. Fe, Tagbina, Surigao del Sur kamakalawa.

 Sa ulat, lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklo pauwi na sa bahay mula sa sabungan sa Brgy. Poblacion nang harangin ng mga suspek at barilin ng tatlong beses.

Bagaman sugatan ay pinasibad ang motorsiklo, subalit hinabol ito ng dalawang salarin at ng malapit ng makorner sa panulukan ng Lot 2 ng Sumifru Banana Plantation ay muling binaril ng dalawang beses.

Hindi pa nasiyahan ang dalawang suspek ay nilapitan ito at pinagsasak­sak ng limang beses upang masigurong hindi na mabu­buhay pa.

Narekober naman ng mga nagrespondeng ele­mento ng pulisya ang bangkay ng biktima na may tat­long tama ng bala sa tiyan, dalawang tama ng bala sa kanang hita mula sa hindi pa natukoy na kalibre ng armas, isang saksak sa kanang palad at limang sak­sak sa likurang bahagi ng katawan.

vuukle comment

BACOOR CITY

BRGY

CAMELLA HOMES

ELCANO ST.

GENERAL HOSPITAL

GRACIANO TAYCO

JAIME JAVIER

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with