^

Police Metro

Sundalo utas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinambangan at na­patay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang sundalo habang pabalik sa kanilang kampo naganap kamakalawa sa Brgy. Magting, Guipos, Zamboanga del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Corporal Danilo Saavedra, miyembro ng Peace and Development team.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga habang si Saavedra ay nakaangkas sa motorsiklong minamaheno ng kasamahan  nitong  sundalo na si Pfc Rommel Taneo nang pagbabarilin ng mga rebelde pagsapit sa lugar.

Pabalik na sana sa kanilang himpilan sa Army’s 53rd Infantry Battalion (IB) na nasa ilalim  ng pamumuno ni Lt. Col. Victor Tangawoh galing sa peace and development operation sa Brgy. Datagan, Guipos ng lalawigan nang tambangan ng mga rebelde.

Nagawa namang ma­kaligtas si Pfc Taneo ma­tapos itong makatalon sa motorsiklo at makipagpalitan ng putok.

Nagsiatras naman ang mga rebelde matapos ang limang minutong putukan nang matanawan ang paparating na reinforcement team ng mga sundalo.

 

vuukle comment

BRGY

CORPORAL DANILO SAAVEDRA

GUIPOS

INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLE

PEACE AND DEVELOPMENT

PFC ROMMEL TANEO

PFC TANEO

VICTOR TANGAWOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with