^

Police Metro

Balut vendor gutay sa tren

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang balut vendor makaraang makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR), kamakalawa ng umaga sa Taguig City. 

Dead-on-the-spot ang biktimang si Daniel Dagquit, nasa hustong gulang at residente ng Purok 5, Ba­rangay Tanyag, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig City Police, parating ang tren ng PNR na may body number DMR-07 nang tangkain pa rin ng biktima na unahan ito sa pagtawid sa riles dakong alas-10:55 ng umaga sa naturang lugar.

Ayon sa ilang mga testigo, nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima bago tuluyang huminto ang tren nang sigawan ang operator nito na may nabangga. Kusang-loob namang isinuko ang sarili ni Angel Coldas, ang operator ng tren, na iniimbestigahan ngayon ng pulisya upang alamin kung may kapaba­yaan siyang nagawa na naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.

 

vuukle comment

ANGEL COLDAS

AYON

DANIEL DAGQUIT

KUSANG

NAGKAGUTAY

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

PUROK

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with