^

Police Metro

Sekyu binareta sa ulo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 40-anyos na guwardiya matapos na hatawin ito ng bareta de kabra sa ulo ng hindi pa kilalang suspek kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Rene Refil, ng Purok 4, Dulo Alabang, Muntinlupa City.

Batay sa ulat, pasa­do alas-6:00 ng umaga sa  harap ng DIY Warehouse Buil­ding sa kahabaan ng Das­mariñas kanto ng Burke Sts., Binondo, Maynila nang ma­karinig ang isang sekyu na si Alwin Abong ng malakas na sigaw ng bik­ti­ma.

Agad na tinungo ni Abong ang pinagmulan ng sigaw at pagbukas ng gate ay nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng puting t-shirt na  umano ay mukhang bangag sa alak na nakatayo sa harap ng biktima na  nakalugmok na sa semento.

Binulyawan ni Abong ang suspek na agad tuma­kas.

Hindi pa batid ng pulis­ya kung ano ang motibo ng pagpatay.

vuukle comment

ABONG

ALWIN ABONG

BINONDO

BURKE STS

DULO ALABANG

MAYNILA

MUNTINLUPA CITY

RENE REFIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with