^

Police Metro

Opisyal ng LRA utas sa ambush

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -Namatay noon din ang isang abogado na opis­yal ng Land Registration Authority (LRA) habang  sugatan naman ang driver nito matapos na sila ay pag­babarilin ng apat na kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo sa isang ambush sa  Tagaytay City kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi ay nakila­lang si Atty. Reynaldo Aquino, na nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan. Ang biktima ay nagsisilbi bilang Register of Deeds sa Lipa City, Batangas.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang driver nitong si Edgar Sapuan.

Batay sa ulat, dakong alas-4:20 ng hapon ay ka­sa­lukuyang binabagtas ng mga biktima na sakay ng kanilang Honda pick-up ang kahabaan ng General Emilio Aguinaldo Highway nang sila ay sundan ng apat na kalalakihan na sakay ng dalawang mo­torsiklo.

Pagsapit sa kanto ng Magallanes Drive, Barangay Maharlika East, malapit sa Magallanes Square nang sila ay pagbabarilin ng mga suspek na kung saan ay tinamaan sa ulo at katawan si Aquino.

Nang masigurong patay na ang target ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Nagsagawa ng follow-up operations ang pulisya at naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Julius Mateo, Erwin Villeza, Mark Anthony Villanueva at Jun Villamor at nakuha sa mga ito ang dalawang kalibre 45 baril.

Patuloy ang imbestigasyon kung ang pagpatay ay may kinalaman sa trabaho ni Aquino sa LRA.

AQUINO

BARANGAY MAHARLIKA EAST

EDGAR SAPUAN

ERWIN VILLEZA

GENERAL EMILIO AGUINALDO HIGHWAY

JULIUS MATEO

JUN VILLAMOR

LAND REGISTRATION AUTHORITY

LIPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with